MANILA, Philippines – Nangako ang Japan ng panibagong round ng scholarship grants na nagkakahalaga ng P150 milyon para palakasin ang skills ng Filipino government employees.
Nitong Lunes, Abril 28, sinabi ng Japanese Embassy sa Manila na pumirma at nagpalitan ng notes sina Japanese Ambassador Endo Kazuya at Foreign Secretary Enrique Manalo sa Department of Foreign Affairs sa paglulunsad ng Project for Human Resource Development Scholarship (JDS).
Ang inisyatibong ito ay may grant na 389 million Japanese yen, na popondo sa master’s degree education ng nasa 20 Filipino public servants.
Batay sa dating criteria, ang mga aplikante sa pagitan ng 22 at 39 anyos ay kwalipikado para sa grant.
Ang scholarships ay para sa 2026-2027 academic year sa mga nangungunang unibersidad sa Japan.
“The JDS is a component of Japan’s continued support for the human resource development initiatives of the Philippines,” sinabi ng embahada.
Mula nang simulan noong 2002, nakapagsuporta na ang Japan ng 459 JDS fellow mula sa Pilipinas. RNT/JGC