Nagkampeon ang Philippine men’s curling team ang B-Division ng Pan Continental Curling Championship matapos talunin ang Kazakhstan sa finals, 9-3, noong Sabado sa Canada.
Tinapos nito ang pag-sweep ng Pilipinas sa Division B nang irehistro nito ang 10-0 win-loss card sa round robin elimination, at tinalo ang Hong Kong, 6-1, sa semifinals.
Naiuwi ng Hong Kong ang bronze medal matapos talunin ang Jamaica sa bronze medal match, 8-7.
Binubuo ang nina PFISTER Marc Pfister, Christian Haller, Enrico Pfister, Alan Frei, at Benjo Delarmente. Sina Miguel Gutierrez at Jessica Pfister ay nagsisilbing mga coach, habang si Joselito Cruz ang opisyal ng koponan.
Sa panalo, na-promote din ang koponan sa Division A kung saan makakalaban nito ang mga powerhouse team tulad ng USA at Canada.