Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pagtiyak na hindi kinakailangang mag-deploy ang Pilipinas ng Navy warships sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang naging pag-atake ng China kamakailan.
Ani Pangulong Marcos, “We don’t need Navy warships. All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights.”
“Again, it will be provocative and will be seen as an escalation… we don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tried to bring down the level of tension,” dagdag niya.
Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na desisyon na ni Pangulong Marcos at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deployment ng Navy vessels na susuporta sa mga barko ng Pilipinas habang isinasagawa ang “Philippine mission” sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the WPS, ang AFP ang siyang dapat na gumawa ng rekomendasyon habang si Pangulong Marcos naman ang may pinal na desisyon sa isyu bilang commander-in-chief.
Ani Tarriela, nakasuporta lamang ang PCG sa anumang desisyon at hakbangin ng pamahalaan.
Sinabi ni Tarriela na namataan ang barko ng People’s Liberation Army na nakabuntot sa PCG vessel sa layong 300 yards nitong Miyerkules ng umaga habang patungo sa BRP Datu Pagbuaya, na binugahan ng water cannon ng China Coast Guard (CCG).
Iginiit din ni Pangulong Marcos na hindi magiging bahagi ang Pilipinas sa pagtaas ng tensyon sa sitwasyon sa WPS.
“We are going to continue to perform our mission. We will never be part of an escalation in the situation in West Philippine Sea. If we look at the evolution of the situation in the West Philippine Sea, the Philippines has never been an agent of escalation of tensions. So we will not do that,” giit ng Punong Ehekutibo.
Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang muling paghahain ng diplomatic protest kontra China.
Ayon sa DFA, nasa 60 diplomatic protests na ang naihain ng Pilipinas laban sa China nito lamang 2024 at 193 mula nang maupo si Marcos sa pwesto bilang Pangulo noong Hulyo 2022. Kris Jose