Home HOME BANNER STORY PH press patuloy sa reputasyon bilang Asia’s freest – PTFoMS

PH press patuloy sa reputasyon bilang Asia’s freest – PTFoMS

MANILA, Philippines- Patuloy ang reputasyon ng Philippine media bilang “freest press” sa Asya.

Ang pahayag na ito ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Undersecretary Paul Gutierrez ay bahagi ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day.

Tinukoy nito ang buhay na buhay na Philippine media na mayroong mahigit na 1,300 mainstream media outlets.

Tinukoy din ang July 2023 data mula sa Philippine Information Agency (PIA), sinabi ng PTFoMS na ang bansa sa kasalukuyan ay mayroong 753 radio stations (53%), 421 newspapers (30%) 162 television at cable stations (12%), at 73 magazines (5%).

Bukod pa ito sa mahigit isang libong media companies na namamahagi ng kanilang content sa social media platforms.

Sinabi pa ni Gutierrez na ang kahirapan sa pag-monitor sa bilang ng media outlets na nag-operate sa social media ay dahil sa “liberal” attitude tungo sa internet ng gobyerno ng Pilipinas.

“These numbers debunked unsubstantiated claims that the press is under threat, being curtailed, or being suppressed in the country,” aniya pa rin.

Pagdating naman sa pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang mga journalists o mamamahayag sa pamamagitan ng pagtugon sa “culture of impunity,” sinabi ni Gutierrez na ang lahat ng limang iniulat na insidente ng media violence na nag-iwan ng apat na biktima na nasawi habang ang isa naman ay sugatan simula nang maupo bilang halal na presidente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 2022 ay itinuturing na nalutas na matapos ang “identification, arrest, at ongoing court trials” ng mga suspek.

Maliban sa pagtitiyak ng ligtas na kapaligiran para sa media practitioners, ipinatupad din ng task force ang Media Information and Literacy (MIL) campaign ng Presidential Communications Office (PCO) sa ilalim ni Secretary Cheloy Garafil, PTFoMS Co-Chair.

“This campaign involves not only addressing the issue of misinformation, disinformation, and fake news but also developing a culture of responsibility and professionalism among Philippine media practitioners, especially in the regions outside Metro Manila,” ayon sa ulat.

Ayon naman sa PTFoMS, limang regional media summits ang matagumpay na naidaos noong 2023, habang apat naman na regional media summits ang inihahanda ngayong taon para gawing mahusay ang mga miyembro ng press na “internationally recognized” bilang best practices sa journalism at personal security awareness.

Winika pa ni Gutierrez na ang nagpapatuloy na government efforts para turuan at itaas ang kamalayan ng media workers habang pinalalakas ang umiiral na mekanismo ng PTFoMS na kagyat na pagtugon sa concerns ng media ay makatutulong na itaas ang kumpiyansa ng mga miyembro ng media na sanayin ang kanilang propesyon sa ligtas at “responsive environment.”

“To create a media environment that is free from fear is among the key priorities of the Marcos administration during its entire term,” ayon kay Gutierrez. Kris Jose