MANILA, Philippines – Maganda ang pananaw ng mga eksperto para sa real estate market ng Pilipinas ngayong taon kasabay ng malakas na demand at paparating na mga bagong development sa ilang lungsod sa bansa.
“The primary market within key cities, especially Cebu, Metro Manila, and Davao, remains tight, with new developments selling out quickly and keeping upward pressure on property prices,” ayon sa realtor at Filipino Homes founder Anthony Leuterio sa panayam ng GMA News.
Ang ‘bullish outlook’ ay sa kabila ng backdrop ng oversupply ng condominium units sa Metro Manila kasunod ng pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ani Leuterio, ang Palawan at Bacolod ay nakararanas ng pag-usbong sa property development.
Aniya, ang malaking salik na humuhubog sa real estate market ay ang patuloy na pagpapadala ng mga overseas Filipino worker.
May epekto rin ang pag-unlad ng connectivity at mataas na demand sa residential properties, ani Leuterio.
Mayroong pagtaas sa pagnanais ng mga tao sa sustainable at affordable housing.
Dahil dito ay hinimok ni Leuterio sa mga developer na tutukan ang sustainable at affordable housing options para matugunan ang tumataas na demand mula sa local at international buyer.
“Despite challenges such as high interest rates and inflationary pressures, the real estate sector is expected to remain resilient, supported by strong end-user demand and infrastructure-driven growth,” aniya. RNT/JGC