Home NATIONWIDE Pilipinas handang magpadala ng panibagong humanitarian contingent sa Myanmar

Pilipinas handang magpadala ng panibagong humanitarian contingent sa Myanmar

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Pilipinas na magpadala ng panibagong humanitarian contingent sa Myanmar sa oras na makauwi na ang kasalukuyang team sa naturang bansa.

Ito ang pagsisiguro ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado, Abril 5, kasabay ng pagbibigay ng disaster at response ng Philippine contingent sa Myanmar.

“Should Myanmar require further assistance, we stand ready to deploy an additional humanitarian contingent to replace the first team, which is scheduled to return to the Philippines on April 12,” pahayag ni OCD Administrator Ariel Nepomuceno.

Ang unang batch ng kasalukuyang Philippine contingent ay mayroong 58 miyembro at dumating sa Myanmar noong Abril 1, habang ang ikalawang batch ay may 33 miyembro na dumating noong Abril 2.

“Filipinos who wish to repatriate can join our humanitarian contingent on their flight back home,” sinabi ng OCD.

“While under the custody of the Embassy, the Filipinos will be offered welfare assistance (including financial assistance) and medical assistance (including trauma counselling),” dagdag pa.

Sa huling ulat ay lampas 3,000 na ang nasawi sa magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand noong Marso 28. RNT/JGC