MANILA, Philippines – Inihayag ng Maynilad Water Services, Inc. na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa darating na Abril 7 at 8 upang bigyan ng daan ang pagsasagawa ng kanilang maintenance.
Ayon sa advisory ng Maynilad, ang service interruption ay ipatutupad mula alas 9:00 ng gabi ng April 7 hanggang 11:59 ng gabi ng Abril 8 dahil sa pagsasagawa ng pipeline interconnection sa Anonas malapit sa PUP at Pasig River.
Apektado sa pagkawala ng suplay ng tubig sa na aabot ng 27 oras sa Parañaque ay ang mga barangay ng Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin De Porres at Sun Valley.
Sa Pasay, 27 oras din sa nabanggit na petsa na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga barangay naman ng 181 hanggang 185 gayundin sa Barangay 201.
Limang barangay naman sa Makati na kinabibilangan ng Bangkal, Magallanes, Palanan, Pio del Pilar at San Isidro, ang 23 oras na mawawalan ng suplay ng tubig mula alas 9:00 ng gabi ng Abril 7 na magtatagal ng hanggang alas 8:00 ng gabi ng Abril 8.
Mararanasan din ng maraming barangay sa Pasay ang 23-hour water interruption na tulad sa Makati ang mga barangay ng 1-7; 9; 14-20; 23; 33-37; 41-49; 51-53; 55-68; 71-75; 80-138; at 140-143.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga nabanggit na maapektuhang lugar na mag-ipon na ng kani-kanilang panggamit na tubig bago pa man dumating ang oras ng kanilang nakatakdang isasagawang maintenance works. James I. Catapusan