MANILA, Philippines- Kinalos na ng Philippine government ang ban sa pag-aangkat ng domestic at wild birds, maging poultry products mula sa State of Minnesota, USA.
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na ang pagtanggal sa trade restriction “follows the resolution of an earlier outbreak of High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) in the state.”
Sa kanyang Memorandum Order No. 22, pinayagan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpasok sa bansa ng live poultry, poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen mula sa Minnesota.
Inihyag ng DA na inisyal na pinairal ang ban upang protektahan ang local poultry industry, importante para sa food security ng bansa at mahalagang pinagkukunan ng trabaho at pamumuhunan.
Ayon pa sa Agriculture Department, ang desisyong tanggalin ang import ban ay batay sa official reports mula sa US veterinary authorities sa World Organisation for Animal Health, kung saan kinukumpirmang lahat ng naiulat na kaso ng HPAI sa mga apektadong lugar sa Minnesota ay naresolba na.
Gayundin, walang bagong outbreaks na naiulat matapos ang February 28, anito. RNT/SA