MANILA, Philippines- Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa Eleksyon 2025 at magde-deploy ng mahigit 2000 tauhan at volunteers sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa midterm elections.
Sinabi ng PRC na ang kanilang volunteer at assets ay pinagana mula May 9 hanggang election day, May 12 upang masiguro na ligtas, maayos at payapang halalan.
Sinabi ng PRC na magde-deploy ito ng 2,260 tauhan at volunteers, 28 emergency vehicles, 103 foot patrol units at 51 mobile units.
Dagdag pa na 38 ambulansya ang naka-standby sa mga angunahing lugar habang ang ibang 178 ambulansya ng PRC ay nakaalerto sa local chapters.
Magseset-up din ng 291 first aid stations at 146 welfare desks sa iba’t ibang lokasyon– airports, arenas, barangay halls, bus terminals, PRC Chapters, event places, highways, malls, parks, schools at train stations.
Nakaalerto rin ang Red Cross 143 volunteers sa bawat barangay.
Bilang katuwang sa gobyerno, nakipagtulungan ang PRC sa Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH) para pangalagaan ang kapakanan ng mga botanteng Pilipino sa pamamagitan ng memorandum of agreement na nilagdaan noong Marso 27. Jocelyn Tabangcura-Domenden