Home HOME BANNER STORY PH Red Cross, naka-high alert sa Holy Week; emergency teams ipinakalat

PH Red Cross, naka-high alert sa Holy Week; emergency teams ipinakalat

148
0

MANILA, Philippines – Naka-high alert mula March 29 hanggang April 5 ang Philippine Red Cross (PRC) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng milyon-milyong Pilipino na bibiyahe ngayong Holy Week.

Ayon sa PRC, layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng publiko habang maraming tao ang pumupunta sa mga probinsya, pilgrimage sites, at tourist destinations sa gitna ng inaasahang siksikan sa terminal, kalsada, at iba pang transport hubs.

Nag-deploy ang PRC ng 2,224 personnel sa buong bansa, kabilang ang 1,887 volunteers at 337 staff, na naka-assign sa mga matataong lugar gaya ng highways, terminals, simbahan, airport, seaport, at tourist spots.

Nakapaglagay din ang organisasyon ng 296 first aid stations at 113 welfare desks para sa agarang tulong sa mga nangangailangan ng medikal na atensyon o nakararanas ng pagod at distress.

Handa rin ang 71 ambulansya, 110 foot patrol teams, 71 roving mobile units, at 15 emergency vehicles na naka-deploy sa mga critical areas.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon, mahalaga ang agarang paghahanda sa mga emergency tuwing peak travel season.

“Holy Week is a time when accidents can happen. At such times, just dial 143—we will immediately help you,” aniya.

Hinimok din niya ang publiko na maging handa at gumamit ng mga safety tools tulad ng PRC Safe Card, na nagkakahalaga ng ₱1,200 kada taon at may kasamang emergency ambulance service, blood assistance, at accident insurance coverage.

Samantala, sinabi ni PRC Secretary General Gwendolyn Pang na dapat manatiling alerto ang publiko at sumunod sa safety reminders.

Hinimok niya ang mga biyahero na sumunod sa road safety, tiyakin ang maayos na kondisyon ng sasakyan, at magpahinga nang maayos ang mga driver. Pinayuhan din ang tamang pagkain, pag-iingat sa tubig, at pagdadala ng first-aid kit.

Paalaala ng PRC: sa gitna ng biyahe at pagninilay ngayong Holy Week, dapat laging unahin ang kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here