Home METRO Maayos na serbisyo, tiniyak ng Meralco ngayong Holy Week

Maayos na serbisyo, tiniyak ng Meralco ngayong Holy Week

188
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na magiging stable at maaasahan ang suplay ng kuryente sa kanilang franchise areas ngayong Holy Week.

Ayon kay Meralco vice president at Corporate Communications head Joe Zaldarriaga, naka-standby 24/7 ang kanilang response teams para agad umaksyon sa anumang power-related concerns.

“We join the nation in observing a solemn and safe Holy Week. As a 24/7 service provider, we assure our customers that our crews are fully prepared to respond to any power-related concerns that may arise,” ani Zaldarriaga.

Nagpaalala rin ang Meralco sa mga customer, lalo na sa mga aalis ng bahay, na mag-ingat sa paggamit ng kuryente. Kabilang sa mga paalala ang pag-unplug ng appliances, pag-iwas sa overloading ng outlets o “octopus connections,” pag-aayos ng mga kable, at pag-iwas sa pagkakalantad ng electrical devices sa tubig.

Para sa mga concerns, maaaring makipag-ugnayan sa Meralco sa 0920-9716211, 0917-5516211, o hotline 16211, pati na rin sa My Meralco mobile app at official social media pages.

Isasara naman ang kanilang business centers mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday (April 2–5), at magbabalik operasyon sa Easter Monday (April 6). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here