Home NATIONWIDE PH research ship binuntutan ng CCG

PH research ship binuntutan ng CCG

MANILA, Philippines- Hinarang at sinundan ng Chinese Coast Guard vessel ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) vessel BRP Hydrographer Ventura at ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa PCG, naglalayag ang barko ng Pilipinas patungong Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal upang magsagawa ng hydrographic survey.

Gayunman, hinarang ng CCG vessel ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas halos 35 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon – ang limitasyon ng nine-dash line ng China, ngunit sa isang lokasyon sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Tumagal din ng humigit-kumulang walong oras na sinusundan ng CCG vessel ang PCG vessel ngunit tumulak pa rin ang sasakyang pandagat ng Pilipinas patungong Bajo de Masinloc bandang alas-10 ng umaga.

Inihayag ng NAMRIA na magsasagawa sila ng hydrographic survery malapit sa shoal, saka nakita ang dalawang CCG at 10 Chinese maritime militia ships sa Bajo de Masinloc.

Kaya naman, iminungkahi ng NAMRIA na maging maingat ang Pilipinas laban sa anumang aksyon na gagawin ng China sa hydrographic survey. Jocelyn Tabangcura-Domenden