NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iprayoridad ng gobyerno at iba pang government stakeholdres ang pag-develop sa semiconductor at electronics industry, killanin ang makabuluhang economic benefits nito para sa bansa.
Nauna rito, nakapulong ng Pangulo ang Private Sector Advisory Council-Education and Jobs Sector Group (PSAC-EJSG) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes para ipresenta ang updates sa mga nakaraang mga rekomendasyon at mga bagong panukala kaugnay sa ‘semiconductor at electronics industry, education, at workforce development.’
“Actually, we really need to push on the semiconductor industry. It’s because, again, it’s not something that we had in mind but the situation — considering how much money we make as the income we get from exports already,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang unang pagpupulong kasama ang PSAC-EJSG.
“We really should be focusing on it more. So, let’s do that now. So, we need to hear from the industry to see what you suggest, and what we can try to incorporate na nga,” aniya pa rin.
“We’ll do it through the IRR siguro. Kasi it took us such a while to get the CREATE MORE in the first place. Kaya naman siguro kasi it’s just another incentive scheme,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ng Pangulo na isa sa dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaloob ng insentibo sa semiconductor locators, kahalintulad sa kung ano ang ipinagkaloob sa iba pang mga industriya.
Halimbawa, sinabi ng Chief Executive, pagdating sa CREATE MORE, wala namang specific o partikular para sa semiconductor industry habang ang ibang industriya ay pinagkalooban ng insentibo gaya ng car manufacturing.
“So, what we would need from all of you is what you think needs to be done,” ang sinabi ng Pangulo.
Isinuhestiyon din ng Pangulo na maaari itong gawin sa pamamagitan ng IRR para sa madaliang implementasyon.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na irekumenda ng PSAC-EJSG na repasuhin ang IRR ng CREATE MORE Law, saklaw ang pagbibigay ng insentibo para sa semiconductor industry.
Pinresenta rin ng PSAC-EJSG sa Pangulo ang semiconductor at electronics roadmap ng bansa.
Inirekumenda rin ng PSAC ang paglikha ng National Education and Workforce Development Plan (NatPlan), na suportado naman ni Pangulong Marcos. Kris Jose