MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang United Nations agency sa abilidad nitong labanan ang mga sakit at tumugon sa mga emerhensiya sa buong mundo ng wala nang magpopondo ng malaki rito.
Ito ay matapos patigilin o bawiin ni President Donald Trump ang US sa World Health Organization (WHO).
Ang US ay nag-aambang ng humigit-kumulang 18% ng pondo para sa WHO, na hirap makalikom ng pera para sa mga emerhensiyang pangkalusugan mula Gaza hanggang Ukraine.
Ang dalawang taong badyet ng ahensya para sa 2024-2025 ay $6.8 bilyon.
Sa nasabing panahon, pinondohan ng US ng 75% ang programa ng WHO para sa HIV at iba pang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik at higit sa kalahati ng mga kontribusyon upang labanan ang tuberculosis, ipinakita ng data ng ahensya.
Ang US ang nangungunang pandaigdigang donor ng kalusugan sa ngayon, na nagbigay ng $15.8 bilyon noong 2022, ayon sa Donor Tracker, isang platform tracking development funding.
Nag-aalinlangan din si Trump tungkol sa mga negosasyong pinamunuan ng WHO para sa isang post-COVID pandemic agreement na naglalayong mapabuti ang pandaigdigang pagkakaisa kapag tumama ang susunod na banta sa kalusugan.
Sinabi ni Elon Musk na bilyonaryong kaalyado ni Trump na hindi dapat ibigay ang awtordad sa WHO.
Habang nagpapatuloy ang pagbawi nito, ititigil ng US ang mga negosasyon sa kasunduan.
Sinabi rin sa kautusan ni Trump na ang mga kawani na nagtatrabo sa WHO ay ililipat at ire-reassign kung saan ang United States Center for Disease contrl and Prevention (CDC) ay mahigpit na nakikipagtulongan sa WHO.
Ilan lamang sa mga sakit na pinondohan ng malaki ng US ang bakuna para labanan ang AIDS, Tuberculosis at Malaria na mga pangunahin ding mga sakit sa pandaigdigan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)