MANILA, Philippines – ISINUMITE ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), araw ng Martes ang panukalang baguhin ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Anti-Bullying Act of 2013 sa Department of Education (DepEd).
Layon ng rebisyon na makapagbigay ng mas epektibo at proactive measure para labanan ang bullying sa mga eskuwelahan, tugunan ang mga makabuluhang pagkukulang sa kasalukuyang implementasyon at ipakilala ang komprehensibong updates upang mas maprotektahan ang mga mag-aaral.
Ang rebisyon ng IRR ay nakahanay sa kamakailan lamang na pagsasabatas ng Republic Act 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, “which institutionalizes comprehensive mental health initiatives for basic education institutions, aiming to foster awareness, prevention, and support for the well-being of students.”
“We want to ensure that every school or classroom is a safe space where every student can thrive without the fear of bullying and harassment. Strengthening our policies and introducing actionable measures, we hope that learners can feel secure in their learning environments,” ang sinabi ni EDCOM 2 Executive Director Karol Mark Yee.
Makikita sa data mula sa Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022 na 43% ng mga babae at 53% ng mga lalaki sa Pilipinas ang napaulat na naging biktima ng ‘bullying acts’ kahit ilang beses sa isang buwan.
Isiniwalat naman sa Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019 na 63.2% ng Grade 5 students sa Pilipinas ang nakaranas ng bullying kahit minsan sa isang buwan.
Sa kabila ng Anti-Bullying Act of 2013, ang pagpapatupad ay hindi patas, higit sa lahat dahil sa mga limitasyon sa ‘policy scope’, pagkakaiba-iba sa mga kasanayan sa paaralan at makabuluhang kakulangan sa mga sinanay na tauhan.
Binigyang halimbawa, mayroong matinding kakapusan sa guidance counselors sa bansa na nakakaapekto sa epektibong pagpapatupad ng anti-bullying measures.
Ang Child Protection Committees (CPCs), may mandato na “to act as anti-bullying committees, often struggle to fulfill their functions effectively due to limited personnel and lack of resources.”
Mayroon din na malinaw na ‘underreporting’ ng bullying incidents, naimpluwensiyahan ng sistema ng insentibo na nagbibigay pabuya sa mga eskuwelahan na nakapagu-ulat ng ‘zero cases’, sa gayo’y hindi hinihikayat ang tumpak na pag-uulat at humahadlang sa mga epektibong interbensyon.
Binigyang diin din ng DepEd na hindi lahat ng eskuwelahan ay may malinaw na student handbooks para sa disiplina, mayroon ding kakukulangan ng kalinawan sa depinisyon at reportorial systems na nakapalibot sa bullying.
Upang tugunan ang mga hamon na ito, ang mga bagong inisyatiba at rebisyon sa umiiral na batas ay ipinanukala ng EDCOM 2, kabilang ang baguhin ang IRR ng Anti-Bullying Act of 2013.
Ang panukalang baguhin ang IRR ay upang gawing pormal ang tungkulin ng Learner Rights and Protection Office (LRPO), mahalgaa sa pangangasiwa at koordinasyon sa anti-bullying efforts sa iba’t iba at lahat ng antas ng edukasyon.
“The LRPO will maintain a repository of bullying reports and ensure systematic implementation of anti-bullying policies,” ayon sa ulat.
“Schools will also be required to formulate localized policies to address bullying, as well as to submit detailed annual reports on bullying incidents, which will be used to refine policies continuously and enhance enforcement mechanisms,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose