Home NATIONWIDE PH, US troops nagsagawa ng joint air assault training sa ‘Salaknib’ drills

PH, US troops nagsagawa ng joint air assault training sa ‘Salaknib’ drills

242
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Army (PA) na ang tropa mula sa 18th Scout Ranger Company at kanilang US counterparts ay matagumpay na nagsagawa ng joint air assault training exercise sa Cagayan North International Airport, bahagi ito ng nagpapatuloy na “Salaknib” Phase 2 exercises sa pagitan ng dalawang serbisyo.

“The drill focused on enhancing joint operational capabilities and rapid airfield security response. Utilizing CH-47 and ‘Black Hawk’ helicopters, both forces conducted mission planning, detailed rehearsals, and airfield security at the Calayan Airstrip,” ang sinabi ni Army spokesperson Col. Louie Dema-ala sa isang kalatas.

Inihayag pa nito na nasubok ng May 22 operation ang ‘real-time coordination, swift troop deployment, at airfield security protocols.’

“This resulted in a successful and seamless security exercise,” ang sinabi pa ni Dema-ala.

Tinuran pa ni Dema-ala na binigyang-diin ng pagsasanay ang nagpapatuloy na pagsisikap ng PA na palakasin ang international defense partnerships at paghusayin ang kakayahan na tumugon sa complex security challenges.

“It is aligned with the Army’s transformation toward a ‘Matatag na Hukbong Katihan, Sandigan ng Bagong Pilipinas’—a resilient and reliable land force that supports a stronger and more secure nation,” wika ng opisyal.

Ang “Salaknib,” nangangahulugang ‘kalasag’ sa Ilocano, ay sumasalamin sa ‘historical bond’ sa pagitan ng dalawang bansa noong panahon ng World War II, nang ang mga Pilipino at American troops ay magkaagapay na nakipaglaban para ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya.

Ang “Salaknib” Phase 1 ay isinagawa mula March 24 hanggang April 11 at ika-10 pag-ulit sa taunang military maneuvers sa pagitan ng Filipino at American troops.

Samantala, ang “Salaknib” Phase 2 ay nakatakda naman mula May 19 hanggang July 20. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here