MAGANDANG balita mula sa PhilHealth para sa ating mga kababayan na nagpapagamot ng Tuberculosis!
Mas pinadali at pinalawak na ng PhilHealth ang pagkuha ng gamot laban sa TB sa ilalim ng programang
GAMOT simula ngayong Nobyembre 1, 2026!"
Sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 2026-0018, ang mga kwalipikadong pasyenteng may confirmed
drug-susceptible tuberculosis (DS-TB) ay maaari nang kumuha ng covered anti-TB medicines sa
alinmang PhilHealth-accredited GAMOT Facility gamit ang reseta mula sa kanilang mga YAKAP (Yaman
ng Kalusugan Program) authorized physicians.
Ang bagong patakarang ito ay bahagi ng adbokasiya ng PhilHealth na patatagin ang primary care
services sa bansa sa ilalim ng Unified National Agenda for Health. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
konsultasyon sa primary care at direktang pagkuha ng reseta, layunin ng PhilHealth na punan ang
treatment gap, tiyakin ang tuloy-tuloy na gamutan, at bawasan ang gastusing pambulsa ng mga pamilya.
Isang mahalagang probisyon sa circular ay ang patakarang hindi ibabawas ang halaga ng covered anti-
TB medicines sa ₱20,000 annual GAMOT benefit limit ng miyembro. Dahil dito, mananatiling buo ang
₱20,000 allocation para sa iba pang kinakailangang outpatient medicines ng pasyente.
�� UP TO 1-MONTH SUPPLY: Maaaring magreseta ng hanggang isang buwang supply ng gamot kada
transaksyon.
�� 2-DAY DISPENSING PERIOD: Dapat maipagkaloob ng GAMOT Facility ang kumpletong reseta sa
loob ng dalawang araw mula sa pagkakaisyu nito.
�� COMPLEMENTARY BENEFIT: Karagdagan ito sa umiiral na Outpatient TB-DOTS Package, na
nananatiling pangunahing benepisyo para sa komprehensibong outpatient TB care. Patuloy pa ring
magbibigay ng pangangalaga at gamot ang mga TB-DOTS facilities kung sapat ang kanilang supply.
Sakaling kailanganing kumuha ng gamot sa GAMOT Facility sa halip na sa TB-DOTS center,
magkakaroon ng awtomatikong 50% deduction sa TB-DOTS package claim para sa bawat phase ng
gamutan.
"Paalala po sa ating mga miyembro: Makipag-ugnayan agad sa inyong YAKAP Authorized Physician o
TB-DOTS provider para malaman ang tamang proseso. Sa mga may katanungan, tumawag sa
PhilHealth Corporate Action Center sa (02) 8662-2588 o bumisita sa www.philhealth.gov.ph.
Iyan ang tunay na kalinga at Agarang Serbisyo para sa kalusugan ng pamilyang Pilipino!"






