MANILA, Philippines – Pinuna ni Department of Health Sec. Teodoro Herbosa nitong Sabado, Disyembre 21 ang umano’y “broken” system o bulok na sistema ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sinabi ito ni Herbosa kasabay ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City sa pagsisimula ng hospital rounds ng DOH ngayong holiday season.
“As chair of the PhilHealth board, we’re really trying to fix this problem. The system is broken,” sinabi sa speech ni Herbosa nitong Sabado.
Sinupalpal ng DOH chief ang PhilHealth sa hindi paggamit ng pondo nito para bayaran ang mga pagkakautang sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Tinukoy ni Herbosa ang umano’y online petition na hiniling niya sa mga doktor ng ospital na huwag suportahan.
“The petition wants me to give the money back to PhilHealth. Teka muna. Eh ‘di ba ang ginagawa ng Philhealth hindi naman binabayad sa utang sa inyo, nilalagay nila sa bangko. Tama ba yun? ‘Di ba mali yun? Zinero nila, eh ang dami nang pera niyo sa bangko eh. Bayaran niyo muna utang niyo sa St. Luke’s,” ani Herbosa.
“P800 million na utang sa inyo? That’s a lot of money. That’s almost a billion pesos and you’re the private sector you don’t get subsidy unlike our government hospitals [they] get subsidy,” dagdag pa niya.
“‘Wag na tayo mag-usap ng PhilHealth tama na ‘yan kasi ‘di ko rin naman maaayos ‘yan ‘pag pasko. Mag-enjoy na lang tayo ngayong pasko.” RNT/JGC