MANILA, Philippines- Kinuwestiyon sa Supreme Court ng ilang health advocates ang zero allocation na ibinigay sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa ilalim ng 2025 national budget.
Naghain ng petisyon ang Medical Action Group (MAG) sa Korte Suprema upang kwestiyunin ang legalidad ng ginawa ng kongreso na hindi maglaan sa Philhealth ng kinita mula sa sin taxes.
Hiniling ng grupo sa SC na iatas ang awtomatikong paglalaan ng kinita sa buwis mula sa tobacco at sweetened beverages taxes para sa PhilHealth gaya ng isinasaad sa Republic Act 11346.
Hiniling din ng petitioner na atasan ng SC ang gobyerno ma-account at ilipat ang hindi na-remit na bahagi na sin taxes para sa premium contributions ng indirect contributors para sa taong 2023 hanggang 2025.
“For 2025 alone, the earmarked funds from tobacco and sweetened beverage taxes dedicated to PhilHealth should at least be P69.81 billion,” nakasaad sa petisyon.
“The zero budget allocation for the PhilHealth premium contributions of indirect contributors, which include senior citizens, persons with disabilities and the poor and vulnerable Filipinos, is a clear manifestation of the state’s abandonment of its duty toward the fulfillment of the Universal Health Care (UHC). This neglect is not just a policy issue, but a matter of life and death for these marginalized groups,” ani Jessica Cantos, co-convenor ng Social Watch Philippines. Teresa Tavares