Home NATIONWIDE Philippine Carabao Center sanib-pwersa sa 2 kompanya para sa solar power

Philippine Carabao Center sanib-pwersa sa 2 kompanya para sa solar power

MANILA, Philippines – Nakipagsanib-pwersa ang Philippine Carabao Center (PCC) sa dalawang kompanya para sa 1.05 megawatt-peak solar photovoltaic (PV) project sa Setyembre na magpapababa sa gastos sa kuryente.

Pumirma ang PCC ng memorandum of agreement kasama ang Malaysian firm MAQO Engineering at Davao-based Solaraze Konstruct Development Corp. (SKD) para sa solar project.

“The agency spends a significant amount on electricity each month, and this cost is likely to rise even more during the summer,” pahayag ni PCC executive director Liza Battad.

“With this achievement, we can reduce our energy expenses and embody the resilience of the carabao by adapting to a climate-smart environment,” dagdag ni Battad.

Sinabi naman ni SKC chief executive officer Alexander Arce na target ng kompanya na maglagay ng solar panels sa mga rooftop ng ahensya pagsapit ng Setyembre ngayong taon.

“With the installation of a 1-megawatt solar system, the agency will not only reduce its energy cost but will also take a firm step towards a low-carbon energy-resilient future,” ayon kay MAQO business development director Vernon Foo.

Ang PCC ang kauna-unahang attached agency ng Department of Agriculture na nanindigan sa paglipat sa solar energy, ayon kay Edwin Atabay, OIC deputy executive director ng PCC.

Samantala, sinabi naman ni MAQO managing director Kong Kok King na ang solar project sa opisina ng PCC ay inaasahang makalilikha ng 1.5 gigawatt-hours ng kuryente taon-taon at makababawas sa carbon emissions ng 1,200 tons. RNT/JGC