Home METRO Kelot tiklo sa pananaksak-patay sa 2-anyos na stepson

Kelot tiklo sa pananaksak-patay sa 2-anyos na stepson

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang lalaki na sangkot sa pananaksak at pagpatay sa dalawang taong gulang na stepson nito sa Lubao, Pampanga.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si “Harold,” na nagtago sa bahay ng tiyuhin nito sa San Roque Dau 1st, bandang 12:30 ng tanghali nitong Biyernes, Abril 4.

Sinubukan ng suspek na tumakas matapos ang away madaling araw, sa pagitan ng niya at ng kanyang asawa na nagresulta sa pagkamatay ng anak.

Sa imbestigasyon, lumabas na “the suspect physically assaulted his partner inside their home.”

Tumakas ang misis nito para sa kaligtasan ngunit pagbalik ay naabutan na lamang ang anak na wala nang buhay.

“As she attempted to retrieve the child, the suspect allegedly attacked again with a bladed weapon, unintentionally stabbing the child, who later succumbed to his injuries,” pahayag ng pulisya.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang bata.

Agad naman na tinugis ng mga awtoridad ang suspek na kalaunan ay natunton sa bahay ng tiyuhin nito.

“His uncle, who had attempted to shield him from capture, was also arrested for obstruction of justice,” pahayag ng pulisya.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang granada sa posesyon ng suspek,

Nahaharap si Harold sa reklamong homicide at attempted homicide na may kinalaman sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act at possession of an explosive. RNT/JGC