Home METRO Philippine Grass Owl nailigtas, pinakawalan sa Aurora

Philippine Grass Owl nailigtas, pinakawalan sa Aurora

2
0

AURORA, Philippines – Isang Philippine Grass Owl (Tyto longimembris) ang nailigtas at pinakawalan pabalik sa natural nitong tirahan sa Dilasag, Aurora matapos itong boluntaryong isuko ng isang residente sa mga awtoridad.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 3, unang dinala ang kuwago sa Dilasag Municipal Police Station bago ito ipinasa sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Casiguran para masuri.

Sinabi ni Casiguran CENRO Officer Ariel Mendoza na sinuri ng Wildlife Enforcement Officers ang ibon at natuklasang wala itong sugat at nasa maayos na kalagayan.

Aniya, “Following a thorough assessment, we confirmed that the Philippine Grass Owl was in stable condition and free from injuries.”

Dagdag pa niya, “On the same day, we immediately released it back into its natural habitat within the forested area of Barangay Dicabasan, Dilasag, Aurora, to ensure its safety and allow it to continue performing its ecological role in the wild.”

Ang Philippine Grass Owl ay isang katutubong ibong panggabi na karaniwang naninirahan sa damuhan, sakahan, at bukas na kagubatan. Kumakain ito ng mga daga at iba pang maliliit na hayop kaya nakatutulong sa pagkontrol ng mga peste at pagpapanatili ng balanse sa kalikasan.

Bagama’t nakalista ito bilang “Least Concern” sa DENR Administrative Order No. 2019-09, nananatiling protektado ang species at mahalaga sa kalikasan.

Pinuri rin ni DENR Regional Executive Director Ralph Pablo ang residenteng nagsuko ng kuwago at hinikayat ang publiko na iulat sa DENR o mga awtoridad ang mga nasugatan, naligaw, o iligal na inaalagaang mababangis na hayop, pati ang ilegal na panghuhuli at pagbebenta ng wildlife. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here