Home NATIONWIDE Philippine Veterans’ Month Bill, umarangka sa Senado; committee report oks na

Philippine Veterans’ Month Bill, umarangka sa Senado; committee report oks na

167
0

MANILA, Philippines – Buo ang suporta ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa pagdeklara ng buwan ng Abril bilang Philippine Veterans’ Month.

Pinirmahan ni Cayetano ang Committee Report No. 40 para sa Senate Bill No. 1719, na inihanda at isinumite ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation nitong Miyerkules, March 4, 2026.

Matagal nang suportado ng senador ang beterano, na palagi niyang kinikilala tuwing ipinagdiriwang ng Taguig sa paglaya nito mula sa Japanese occupation noong World War II.

“Gawin natin ang lahat para makumpleto natin y’ung sense of community sa pagkilala sa mga beterano natin, sa mga lolo’t lola natin,” wika ng Minority Leader sa pagbibigay-pugay sa katapangan at sakripisyo ng mga Pilipinong beterano.

Giit ni Cayetano, mahalagang ilaan ang buwan ng Abril para sa mga kababayang beterano para kilalanin ng gobyerno at taumbayan ang kanilang serbisyo para sa bayan.

“Kasi ang Panginoon po, ibinigay ang Kanyang best para sa atin. Ibinigay pa ang Kanyang sariling anak. Kaya tulad Niya, trabaho natin ibigay palagi ang the best para sa lahat,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here