Home METRO PHIVOLCS: Pagsabog ng Bulkang Hibok-Hibok, fake news!

PHIVOLCS: Pagsabog ng Bulkang Hibok-Hibok, fake news!

119
0

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes ang kumakalat na post na nagsasabing pumutok ang Bulkang Hibok-Hibok sa Camiguin.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naitalang volcanic activity sa Hibok-Hibok at nananatili itong nasa Alert Level 0.

“Fake news ang kumakalat na post tungkol sa pagputok ng Hibok-Hibok Volcano sa Camiguin Island,” anang PHIVOLCS sa isang pahayag.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na huwag maniwala o magbahagi ng impormasyong hindi nagmumula sa DOST-PHIVOLCS, dahil maaari itong magdulot ng kalituhan at takot sa mga makabasa nito.

“Huwag maniwala o magbahagi ng impormasyon na hindi nagmula sa DOST-PHIVOLCS. Ito ay maaaring magdulot ng pagkalito at pagkatakot sa mga makabasa nito,” dagdag pa ng ahensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here