MANILA, Philippines – NALAGLAG sa kamay ng batas ang suspek sa pagnanakaw sa bahay ng award winning photojournalist na si Ezra Acayan sa Bgy BF Homes, Parañaque City.
Natukoy kung sino ang nanloob sa bahay at nagnakaw ng gadgets, na gamit sa hanabuhay ng photojournalist sa pamamagitan, ng cctv.
Kitang-kita sa CCTV footage ang suspect noong Biyernes sa pagnanakaw ng high-end camera, satellite internet device, mini drone, at laptop na aabot ang halaga sa P500,000.
Nakita rin sa review ng cctv na alas Sais pa lng Gabi ay nagtatatago at nag aabang ng tyempo ang magnanakaw na dati na palang nakulong sa iba’t ibang mga kaso gaya ng pagnanakaw.
Kinikabutan si Acayan sa isiping maaaring nagkasakitan o nagkamatatayan kung maagang nasiskubre ang suspek, na hindi pa pinangala ng mga awtoridad.
Natuklasan din ng mga pulis sa Pag iimbestiga na maaaring may kasama at kasabwat ang suspek sa pagnanakaw.
Umaasa si Acayan na mababslik pa sa kanya ang mga gadgets na ninakaw ng suspek. Dave Baluyot