Home NATIONWIDE Phreatic eruption, volcanic tremor naitala sa Bulkang Taal

Phreatic eruption, volcanic tremor naitala sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines- Nakapagtala ng phreatic eruption at volcanic tremor sa Taal Volcano nitong weekend, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Nitong alas-10:31 ng Abril 13, nagbuga ang bulkan ng 4,709 tones ng sulfur dioxide. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ang phreatic eruption ng 4 minuto habang umabot naman ang volcanic tremor ng 6 minuto. Naobserbahan din ang 600 metrong usok mula sa bulkan.

Gayudin, namataan ng ahensya ang pagtaas ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Sinabi ng PHIVOLCS na nakapagtala sa Taal ng limang phreatic eruptions mula noong Biyernes.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 o low-level unrest ang nasabing bulkan.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na bawal lumapit sa Taal Volcano Island, partikular sa Main Crater at Daang Kastila fissures.

Nag-abiso rin ang ahensya na huwag magpalipad ng aircraft malapit sa bulkan. RNT/SA