Home OPINION PIA CAYETANO VS GLORIA DIAZ; MANZANO VS UNGGOY

PIA CAYETANO VS GLORIA DIAZ; MANZANO VS UNGGOY

11
0

SABOG na sabog ang isyu ng korapsyon, pulitika at impeachment.

MATAPOS in-unfollow ni Mariel Rodriguez, esmi ni Senator Robin Padilla, si Angel Locsin dahil sa isyung “Operation Romanov” sa impeachment trial na sa tingin ng senador ay kilusang komunista laban kay Vice President Sara Duterte at pamilya nito, batay sa pagpatay ng mga komunista sa pamilyang Tsar Nicholas II na naghahari noong 1917 sa Russia, sumiklab naman ang ngalan nina dating Ms. Universe Gloria Diaz at beteranong actor-politician Edu Manzano.

Binatikos ni Diaz ang “nakaiiritang” boses ni Senator-Judge Pia Cayetano sa isinasagawang impeachment trial sabay-sabing dapat itong makulong.

Humingi naman si Cayetano ng pasensya sa madla sa kawalan ng training sa boses at sinabi pang handa siyang ituwid ng iba sa mga puntong maaaring doon siya dapat ituwid.

Kasabay nito ang pagdidiin na nirerespeto nito ang boses o anomang art o engagement ng ibang tao.

Heto naman si dating Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon na kumwestiyon sa labis na pananahimik ni Diaz sa napakalalang usapin sa korapsyon ngunit may lakas ng loob na pumuna sa personal na katangian ni Cayetano.

Sumabog din sa galit si dating Makati Vice Mayor at beteranong artistang Edu Manzano sa pagsasabi ng diaryong China Daily na unggoy ang Pilipinas, United States at Japan sa kontrobersya sa West Philippine Sea.

Ngunit kalakip nito ang mariing niyang pahayag na “Yung galit tayo na unggoy ang tingin ng ibang lahi sa atin pero payag tayong inuunggoy ng sarili nating gobyerno.”

Ito’y sa gitna ng paglilihis sa isyu ng korapsyon sa gobyerno, partikular sa flood control scam, sa pagbaling ng ating atensyon sa ibang usapin gaya nang pagpapakulong kay Senator Rodante Marcoleta na isa sa mga matinding lumalaban sa matinding korapsyon at tila isusunod pa si Senator Alan Peter Cayetano.

Habang naghahalo ang balat sa tinalupan, lumalabas din ang katotohanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here