Home ENTERTAINMENT Pia, to-the-rescue sa nakalaban sa MU!

Pia, to-the-rescue sa nakalaban sa MU!

Manila, Philippines – Tunay ngang walang masamang tinapay kay Pia Wurtzbach.

Natatandaan n’yo pa ba ang pinakamahigpit niyang katunggali sa Miss Universe 2015 na si Ariadna Gutierrez ng Colombia?

Sino’ng hindi makakalimot sa makasaysayang boo-boo ng pageant host na si Steve Harvey as he mistakenly announced na si Ariadna ang tinanghal na Miss Universe, only to correct himself?

Dahil ang totoo pala, base sa ibinigay na resulta kay Steve ay si Pia mula sa ating bansa ang real winner.

Who’d forget Pia’s stunned reaction when her name was called, habang binabawi kay Ariadna ang sash, bouquet of flowers at MU crown sa kanya?

On her Instagram Broadcast channel, Pia took the opportunity to ask support for her rival na kalahok sa isang reality TV series.

Ariadna is competing in Las Casa de los Famosos.

Ani Pia, “Let’s support her!”

Ito’y makaraang mag-post si Pia ng kanyang ilang life updates.

“Voting is free and it can be done worldwide,” ani Pia who promised to post the link to the voting.

Kampante raw si Pia na may laban si Ariadna sa naturang reality TV series.

Magugunitang in a previous interview, nilinaw ni Ariadna na wala siyang sama ng loob kay Pia sa nangyari stressing it wasn’t her fault.

It was Steve who owned up to his mistake right then and there.

After the Miss Universe 2015 pageant ay nagsama pa sina Pia at Ariadna sa mga proyekto sa fashion, TV at pelikula.

Last year nang huli silang magkita nang personal.

Theirs is a friendship which may be likened to that of Michelle Dy and Miss Thailand noong MU 2023. Ronnie Carrasco III

Previous articleDagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo
Next articleE-gate users sa mga paliparan ‘di na bibigyan ng arrival stickers – BI