Home NATIONWIDE Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa source mula sa oil industry, posibleng magkaroon ng P0.30 hanggang P0.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, bawas na P0.55 hanggang P0.75 naman sa presyo sa kada litro ng diesel ang inaasahan sa susunod na linggo.

Matatandaan na nagkaroon ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong nakaraang Martes, Marso 26. RNT/JGC

Previous articleMC taxi expansion ‘di na pwede, resulta ng pilot study isusumite na ng LTFRB
Next articlePia, to-the-rescue sa nakalaban sa MU!