Home NATIONWIDE MC taxi expansion ‘di na pwede, resulta ng pilot study isusumite na...

MC taxi expansion ‘di na pwede, resulta ng pilot study isusumite na ng LTFRB

MANILA, Philippines – Itinigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang TWG ng rekomendasyon sa Kongreso ngayong Mayo hinggil sa kahihinatnan ng MC taxi service kaya itinigil na nila ang pagdaragdag ng bilang ng mga MC Taxi operators na kasali sa pilot study.

“Magsusubmit na ang TWG ng recommendation sa Kongreso ngayong Mayo nang resulta ng aming ginawa” sabi ni Guadiz.

Aniya ang desisyon ng Kongreso ang susundin ng LTFRB hinggil sa magiging kalagayan ng mga MC Taxi service sa bansa.

Nilinaw ni Guadiz na ang MC Taxi ay sagot sa problema ng pagkalat ng mga habal-habal na mga motorsiklo na nagsasakay ng pasahero nang walang permiso mula sa LTFRB.

Sa MC Taxi service, ani Guadiz, ay mga trained ang mga driver at mayroon ding insurance ang mga pasahero nito.

Sa ngayon ay may 51,000 slots ng MC Taxi sa Metro Manila at hindi na ito madadagdagan pa. RNT

Previous articlePulis tiklo sa pamamaril sa rider sa Parañaque
Next articleDagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo