Home NATIONWIDE E-gate users sa mga paliparan ‘di na bibigyan ng arrival stickers –...

E-gate users sa mga paliparan ‘di na bibigyan ng arrival stickers – BI

MANILA, Philippines – Hindi na iisyuhan ng arrival stickers ang mga biyaherong Pinoy na dadaan sa electronic gates (e-gates) simula Abril 1, 2024, inanunsyo ng Bureau of Immigration nitong Sabado, Marso 30.

Sa halip na sticker, makatatanggap na lamang ng email confirmation ang inbound Filipino travelers ng kanilang arrival sa kanilang email address na nakalagay sa eTravel system.

Samantala, ang mga pasahero ay maaari pa ring magpatatak sa kanilang mga pasaporte mula sa immigration officers.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ginawa ng ahensya ang desisyon “to streamline e-gates processing to maximize its efficiency and transition to label-free border clearance.”

Mayroon nang 21 e-gates na nakapwesto sa iba’t ibang international airport sa bansa, at marami pa ang inaasahang magiging dagdag ngayong taon. RNT/JGC

Previous articlePia, to-the-rescue sa nakalaban sa MU!
Next articleLalaking sangkot sa serye ng shooting incidents sa CDO, patay sa operasyon