Home NATIONWIDE Pilipinas may 12 bilyonaryo, 70 ‘centi-millionaires’ – consultancy firm

Pilipinas may 12 bilyonaryo, 70 ‘centi-millionaires’ – consultancy firm

MANILA, Philippines – Mas dumami ang mga milyonaryo at bilyonaryo na naninirahan sa Pilipinas, sinabi ng isang investment migration consultancy firm nitong Martes, Hunyo 24.

Sa Henley Private Wealth Migration Report 2025, sinabi ng Henley & Partners na mayroong 12,800 high-net worth individuals ang nasa Pilipinas, kabilang ang 70 centi-millionaires o yaman na tinatayang nasa $100 million dollars.

Mayroon ding 12 bilyonaryo.

Sinabi ng kompanya na mayroong 32 percent na higit na high-net worth individuals sa bansa kumpara sa nagdaang dekada.

Ayon naman kay Henley & Partners managing director for Southeast Asia Scott Moore, ang consistent growth ay sumasalamin sa paglago ng entrepreneurial class, at financial markets.

“While it is not yet among the top destinations for incoming millionaires globally, the Philippines’ stability and growing wealth base stands out and creates a strong foundation for future investment migration,” aniya.

Sa Asya, ang Thailand ang nakikitang umuunlad na bansa at safe haven para sa yaman, kung saan mahigit 450 milyonaryo ang inaasahang lilipat sa Bangkok ngayong taon. RNT/JGC