Home OPINION PILIPINAS NANGUNGUNA SA “VLOGGING” SA BUONG MUNDO, AYON SA PAG-AARAL

PILIPINAS NANGUNGUNA SA “VLOGGING” SA BUONG MUNDO, AYON SA PAG-AARAL

HINDI maikakaila ang pagiging aktibo ng mga Filipino pagdating sa social media hindi lamang sa Southeast Asia kundi sa buong mundo. Pagdating nga sa video content ay nangunguna tayo ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Meltwater at We Are Social.

Mayrong 87 million internet users sa buong bansa o katumbas ng 74% ng populasyon.
Umaabot sa 3 hours at 34 minutes ang panahong nailalaan ng isang Filipino sa bawat araw sa internet, pero nasa ika-apat na puwesto lamang ang bansa na bahagyang naungusan ng Brazil, South Africa at Kenya.

Nasa ika-apat ding puwesto ang bansa pagdating sa haba ng oras na inilalaan sa social media kung saan nanguna ang Saudi Arabia, Mexico at Indonesia.

Pangunahing paborito ng mga Filipino ang Facebook app kung saan nasa 26 hours at 54 minutes ang average na nauubos dito sa bawat buwan. Pero nasa ika-apat na puwesto pa rin tayo, mas mahilig sa FB ang Vietnam, United Arab Emirates at Egypt.

Kabilang lang sa top eight ang Pilipinas sa TikTok na mayroong 40 hours at 46 minutes. Habang hindi naman natin masyadong hilig ang Instagram na mayroon lamang 2 hours at 41 minutes, malayo sa global average na 15 hours at 50 minutes bawat buwan.
Pero pagdating sa panonood ng vlogs and influencer content, nangunguna ang Pilipinas na mayroong 50.7% bawat Linggo sa mga edad 16 years old hanggang 24 years old.

Nasa 43.9% ng mga may social media sa bansa ang sumusu­baybay sa “influencers and experts”. At nasa 97.2% ang nano­nood ng video content Linggo-linggo sa buong mundo.

Paborito ng mga Filipino ang online music videos na pi­nanonood ng 72.7% o ng tatlo sa bawat apat na Filipino.

Sa malaking bilang na ito, nasa 22% lamang ang nanonood ng music videos sa pamamagitan ng streaming services o may bayad, karamihan ay sa mga free site o mga pirated site.

Sa mga “how-to videos” naman, nasa 58.3% naman ang nanonood, ikalawa sa buong mundo.

Previous articleNSCR project makukumpleto sa 2028 – PNR
Next articleUCC-CMHS, ISA NA NAMANG LEGACY PROJECT NG MAG-AMANG MALAPITAN