Home OPINION UCC-CMHS, ISA NA NAMANG LEGACY PROJECT NG MAG-AMANG MALAPITAN

UCC-CMHS, ISA NA NAMANG LEGACY PROJECT NG MAG-AMANG MALAPITAN

SINA Andrew, 45 ng Bagong Silang at Charisa, 44 ng Sangandaan  – parehong tagalungsod ng Caloocan,  ay nangarap maging doctor pero hindi natupad dahil sa kahirapan ng buhay.

Ang pagiging manggagamot o doktor kasi ay napakamahal na ang karaniwang mga   nakakapasok  sa kursong ito ay mga may-kaya sa buhay  at iilan na mapalad na nabibigyan ng scholarship program.

Pero ang naudlot nilang pangarap ay muling binigyang buhay ni Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan sa pamamagitan nang itinatayo ngayong University of Caloocan School of  Medicine and  Health Sciences.

Kamakailan ay sinimulan na ang konstruksyon ng modernong 4-storey UCC – SMHS na magsisilbing ‘bahay’ din ng magbubukas nang UCC  – School of Engineering sa Crispulo st.,  sa Barangay 180 sa Distrito 3, Caloocan City.

Inaasahang sa susunod  na school year ay sisimulan  nang tumanggap  ng mga poor but deserving students na kukuha ng kursong medisina sa naturang kolehiyo.

Tulad nang matagal ng patakaran sa UCC,  prayoridad ang mga tagalungsod na mabigyan ng pagkakataong makapag -enrol na libre ang tuition at iba pang school fees.

Hindi man naging mga doktor dahil sa kahirapan, sina Andrew at Charisa ay muling nabigyan ng pag-asa – this time  anila, mga anak nilang nangangarap ding maging doktor.

At hindi lang sina Andrew at Charisa, kundi marami pang  Batang Kankaloo ang mabibigyan ng pagkakataong makapag -enrol at tatawaging doktor balang araw.

Tinawag na ‘Education Dynamo’ ng Caloocan, si Mayor Along ang spurplug at arkitekto ng ngayo’y kinikilala at ‘di matatawarang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Ang UCC – School of Medicine ay isa lang sa sandamakmak na legacy project sa edukasyon ng tandem nina Mayor Along at amang 1st District Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan na magbibigay katuparan sa  pangarap ng  mga Batang Kankaloo sa larangan ng medisina.

Previous articlePILIPINAS NANGUNGUNA SA “VLOGGING” SA BUONG MUNDO, AYON SA PAG-AARAL
Next articleHINDI KATAWA-TAWA