Home NATIONWIDE Pilipinas umangat ng tatlong baitang sa Global Innovation Index – NEDA

Pilipinas umangat ng tatlong baitang sa Global Innovation Index – NEDA

110
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng three-notch climb ang Pilipinas sa 2024 Global Innovation Index (GII), lampas sa target rank ng pamahalaan ngayong taon.

Ito ay kasabay ng konektadong pagsisikap na mapalakas pa ang inobasyon bilang key driver ng pag-unlad, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Biyernes, Oktubre 4.

Sa pahayag, sinabi ng NEDA na nasa ika-53 pwesto ang Pilipinas mula sa 133 economies sa GII ngayong taon.

Ito ay mula sa ika-56 pwesto noong 2023.

Ayon sa NEDA, nalampasan pa nito ang target ng pamahalaan na ika-54 na pwesto para sa 2024 na itinakda sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Kinikilala rin ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ang Pilipinas bilang ikatlo sa 38 lower-middle-income economies, kasunod ng India at Vietnam.

Dagdag pa, napanatili rin ng bansa ang ikalimang pwesto sa ASEAN members at kinilala bilang isa sa middle-income economies na may most significant ranking improvements mula 2013.

“This advancement clearly reflects our commitment to fostering a culture of innovation and enhancing our competitiveness in both domestic and global markets. Our focus remains on making innovation a key driver of sustainable economic growth that benefits every Filipino,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here