Home NATIONWIDE School-based nationwide immunization sa Oktubre 7, kasado na!

School-based nationwide immunization sa Oktubre 7, kasado na!

160
0

MANILA, Philippines – Kasado na ang school-based nationwide vaccination program na “Bakuna-Eskwela,” ng Department of Health at Department of Education sa Lunes, Oktubre 7.

Sisimulan ang programa sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Maynila.

Para palakasin ang National Immunization Program (NIP), sinabi ng pamahalaan na dapat maprotektahan ang mga kabataan laban sa vaccine-preventable diseases (VPDs) gaya ng tigdas, rubella, diphtheria, tetanus, at cervical cancer sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

“Ito ay para sa mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan. For Grades 1 and 7, ang makukuhang bakuna ay measles-diphtheria and tetanus-diphtheria,” ayon kay Health Promotion Bureau (HPB) Central Office head, Dr. Dominic Maddumba sa DOH Kapihan with media.

“Sa mga Grade 4 na babae, ang bakuna nila ya laban sa human papillomavirus (HPV) na laban sa human papillomavirus at cervical cancer,” ani Dr. Maddumba.

Bukod sa pagiging accessible sa mga pampublikong paaralan, target din ng DOH na maging ligtas at epektibo ang mga bakuna.

Samantala, idinagdag ni Maddumba na kailangan pa ring pirmahan ng magulang ang consent form bago ang pagbabakuna ngunit nilinaw na hindi ito mandatory.

Siniguro ni Maddumba na karaniwan ay mild lamang ang adverse effects kasunod ng immunotherapy (AEFI).

Kung makararanas ng matinding side effects ay inaabisuhan ang mga magulang na agad na magtungo sa pinakamalapit na health center o ospital.

Sinabi ni DepEd Medical Officer IV, Dr. Mariblanca Piatos, na sisikapin din nilang maabot maging ang mga malalayong paaralan na may limitadong exposure sa mga ganitong oportunidad.

Hindi naman umano maiiwasan na magdalawang-isip ang lang mga magulang para bakunahan.

“Unang-una talaga is really to talk and to make our parents and the guardians understand its importance, kasi hindi maganda na gamitan natin sila ng fear appeal. Dapat paliwanagan sila,” ani Piatos.

Noong Setyembre 2024, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang NIP sa dinagdagang badyet na P2.3 bilyon para pondohan ang pagbili ng mga bakuna para rito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here