Home NATIONWIDE Pinabilis na Marawi rehab, infra rollout, ipinag-utos ni PBBM

Pinabilis na Marawi rehab, infra rollout, ipinag-utos ni PBBM

152
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mas pinabilis na long-delayed rehabilitation ng Marawi City at mahalagang infrastructure projects, kabilang na ang Unified Grand Central Station, kasunod ng updates na ipinresenta sa 8th meeting on Economy and Development Council.

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na mas bilisan ang implementasyon para agad na maibalik ang ” mobility, boost economic activity, at deliver long-overdue benefits’ sa mga apektadong komunidad kasunod ng five-month war laban sa ISIS-inspired fighters noong 2017.

Nanawagan ang Pangulo para sa panibagong pagsusulong para kompletuhin ang Reconstruction and Development Plan for a Greater Marawi (RDPGM) Stage 2, naglalayon na muling itayo ang ‘transport, water, at energy systems at ibalik ang ‘livable communities.’

Kabilang sa proyekto ang rehabilitasyon at konstruksyon ng 26.59 kilometro ng kalsada, mga tulay, drainage systems, at slope protection project.

Sa pitong sub-projects, dalawang road components ang kompleto na habang may limang natitira ang nagpapatuloy, kabilang ang tatlong kalsada, isang viaduct, at anim na mga tulay.

“As of January 2026,” ang overall progress ay 19.61 percent.

Iminungkahi naman na taasan ang halaga ng proyekto ng 26.55%, mula sa P7.52 billion ay magiging P9.51 billion, dahil sa updated requirements para sa civil works, consultancy services, at right-of-way acquisition.

Ang completion timeline, orihinal na itinakda noong June 2027, ay maaaring palawigin sa March 2028.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ng Pangulo na i-assess kung ang proyekto ay maaaring makompleto sa 2028, kasama ang masusing pagrebisa sa paghuhugutan ng pondo at hakbang para mapigilan ang procurement delays.

Nirepaso rin ng Konseho ang progreso ng compensation claims para sa mga residente ng Marawi.

Nito lamang Pebrero ngayong taon, may 2,288 claims ang pinroseso, napakinabangan ng 2,280 claimants na may kabuuang P3.85 billion ang naipalabas na.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang urgency na makompleto ang rehablitasyon ng Marawi, sabay sabing kailangan kasi na matupad ng gobyerno ang pangako nito sa mga apektadong komunidad at tiyakin na ang infrastructure projects ay kompleto na .. at walang pagkaantala.

Sa kabilang dako, kabilang sa mga completed infrastructure sa ilalim ng Bangon Marawi program ay “permanent shelters, power systems, at key facilities’ gaya ng Marawi City General Hospital, Port of Marawi, Marawi Dansalan Integrated School, Central Fire Station, at Grand Padian Market.

Habang kabilang naman sa nagpapatuloy na proyekto ang bultong water supply system na ipinatupad ng Local Water Utilities Administration, target na makompleto sa May 2026.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng gobyerno na tiyakin ang napapanahong pag-apruba para sa mga priority infrastructure projects kasunod ng pagkaantala na hinarap ng Unified Grand Central Common Station project, naglalayon na i-connect ang major rail lines sa Metro Manila.

Ayon sa PCO, ang kontrata ng design-build contractor, BF Corporation and Foresight Development and Surveying Company, ay tinerminate noong May 2025 matapos na maabot na ang 67.03 percent completion.

Idinagdag pa nito na target ng Department of Transportation (DOTr) ang partial operations na magkokonekta sa LRT Line 1 at MRT Lines 3 at 7 sa first half ng 2027.

Dahil dito, sinabi ng PCO na inatasan ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya na iwasan ang pagkaantala dahil sa post-facto decisions.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang malinaw na komunikasyon kaugnay sa contract terminations para pangalagaan ang interest ng publiko. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here