Home NATIONWIDE Pinaigting na diplomatic ties sa Pinas sa ilalim ng Marcos admin inaasahan...

Pinaigting na diplomatic ties sa Pinas sa ilalim ng Marcos admin inaasahan ng Singaporean president

MANILA, Philippines- Inaasahan ni Singapore President Tharman Shanmugaratnam ang “mas mainit” na diplomatic relations sa pagitan ng Singapore at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iniayag ito ni Shanmugaratnam sa isinagawang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos, araw ng Biyernes, sa The Istana sa Singapore.

“We’re seeing opportunity to take forward our relationship… but it’s a warm relationship that’s getting warmer under your leadership,” ayon kay Shanmugaratnam.

Tinukoy din nito ang pagpapalakas sa economic relationship sa pagitan ng dalawang bansa kabilang na ang pagsisikap na makahikayat ng mga investors sa iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Shanmugaratnam na “looking forward” siyang pumasok sa iba’t ibang kasunduan sa Pilipinas at mga kaugnay na alalahanin.

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Pangulong Marcos sa Singapore government para sa kanilang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na panatilihin ang masiglang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“I’m glad that we had an opportunity to call on you… it is really important that we continue… as you say, (the) warmer relationship between our countries… and the call of the time is for us to be strengthened relationship,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapalitan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore partikular na sa people-to-people, at maging sa pagsisikap na matugunan ang climate change, at ang layunin ng pangasiwaan ang Loss and Damage Fund Board.

“I am very happy to continue that relationship,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nagpahayag naman ng kanyang intensyon si President Shanmugaratnam na bumisita sa Pilipinas ngayong taon.

Sa kabilang dako, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay bagong Prime Minister Lawrence Wong, nagkasundo ang dalawang lider na saliksikin ang bagong partnerships para ma- adapt ang nagbabagong mundo.

Bagama’t nagsanib-pwersa na ang dalawang bansa sa maraming larangan, umaasa naman ang Pangulo na magpapatuloy ang malakas na ugnayan sa Southeast Asian neighbor.

“I look forward to continuing [the relationship]. I’m confident… although there’s already a [great deal] that we’re doing in many areas,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Wong.

“We have really laid down for the last [five] years [the] formal and official relationship but as in all other ASEAN member — for Asian countries in general and I think that is why [it’s] easy for us to work together to make partnership,” dagdag na wika nito.

Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang Singapore bilang isa sa “top sources” ng foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas.

Masaya ang Pangulo dahil binanggit ng Singapore leader ang bagong Clark City, na bahagi ng Luzon corridor, “is gaining recognition among investors,” sabay sabing plano ng gobyerno ng Pilipinas na i-develop ang mga lugar gaya ng industrial center kasama ang lahat ng iba’t ibang pasilidad tulad ng “manufacturing, semiconductor assembly, businesses, at green minerals processing,” kung saan maaaring magpartisipa ang mga Singaporean investor.

Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos na mayroong great potential” sa industriya ng turismo ng dalawang bansa, na mas makapagpapalakas sa pamamagitan ng “much-improved infrastructure” at palakasin ang air linkages.

Para naman kay Wong, mayroong “strong positive momentum” sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“So, many different projects are taking place, including in New Clark City and others, and I’m sure there are interests amongst investors and businesses to invest in your country,” ayon pa kay Wong.

Binanggit din ni Wong ang people-to-people exchanges, mayroong mahigit na 200,000 Filipino ang nagtatrabaho at nananatili sa Singapore.

Nangako si Wong na poprotektahan at titiyakin ang kalusugan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, kinikilala ang kanilang naging kontribusyon sa ekonomiya ng Singapore.

Samantala, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), ang Singapore ang 8th largest trading partner ng Pilipinas, 6th export market (mula sa 205), at 7th import supplier (mula sa 221) noong 2023 ng bansa.

Sa kaparehong panahon, ang exports ay may halagang USD3.53 billion habang ang imports ay may halagang USD7.09 billion.

Ang Pilipinas ay nakapagtala ng trade deficit na USD3.57 billion.

Sa kabilang dako, ang Singapore ang itinuturing na “largest source” ng approved investments, nakapagtala ng USD1.628 billion noong 2021, at USD2.398 billion noong 2022.

Base sa preliminary figures noong 2023, ang Singapore ay nasa ranggo bilang ‘fourth source’ ng approved investments na nagkakahalaga ng USD674.40 million. Kris Jose