Home OPINION PINAIGTING NA OTBT OPS NG MALABON COPS EPEKTIBO

PINAIGTING NA OTBT OPS NG MALABON COPS EPEKTIBO

Dumadalas daw ang pagbisita ng mga operatiba ng Malabon City Police Station sa mga barangay sa lungsod,  kuwento sa Chokepoint ng mga kaibigan nating Kapitan Del Barrio.

Nang maupong MCPS chief si P/Col Jay Baybayan tatlong buwan na ang nskakaraan, anila’y naging ‘permanent fixture’ ang mga pulis na nanghuhuli  ng mga lumabag  at sumasalungat sa umiiral na batas sa kanilang lugar.

Nakausap natin ang isang opisyal sa Northern Police District Headquarters at sinabing pagsasaganap ito ng pulisya ng Malabon  sa  ‘One-Time-Big-Time’, isang anti-crime  effort and strategy.

Epektibo, anang opisyal ang pinaigting na pagsasagawa ng Malabon cops ng OTBT operation  dahil dumalang ang kaguluhan at insidente ng krimen sa mga barangay sa lungsod.

Matapos italagang top cop ng Malabon noong Agosto 30 ay kaagad ipinag-utos  ng produkto ng Philippine National Police Academy Class 2000 na ito ang pagsasagawa ng naturang anti-crime strategy.

Ayon kay Chairman Brian Manapat, malaking tulong ang OTBT operation ng MCPS  lalo na sa katulad ng malalaking barangay na kagaya ng Barangay Catmon na salay-salay sa dami ng mga residente.

Nakasuporta kami sa mga isinasakatuparang anti-crime effort ng pulisya dahil iisa ang ating  layunin at hangarin  – ang makamit ang maayos at tahimik na komunidad, dagdag ni Manapat.

Sinabi ni Barangay Tenejeros Chairman Ambet Bautista, suportado niya ang ginagawang OTBT operations ng pulisya ng Malabon dahil malaking bagay ito tungo sa matahimik na lugar at komunidad.

Ikinuwento  ni Bautista na ang isinasagawang OTBT ng MCPS ay  epektibo sa pagdidisiplina sa mga taong pasaway sa kanilang barangay. Saludo siya,  aniya, sa programang ito ng pulisya.

Ang lungsod kung ituring ay kanlungan ng mga halang ang kaluluwa pero sa pinalakas, pinaigting at patuloy na pagsasagawa  ng  OTBT operations, ‘di magtatagal  ay mahuhulog din ang mga ito sa kamay ng Malabon cops.

Previous articleSAPAT NA TUBIG PARA SA TAONG 2024
Next articleWALA ‘YANG ICC