Home OPINION SAPAT NA TUBIG PARA SA TAONG 2024

SAPAT NA TUBIG PARA SA TAONG 2024

Malaki ang hamon na kinakaharap ng Marcos administration dulot ng El Niño pero mabuti na nga lamang at pro-active si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na kaagad nang pinakilos ang mga ahensiya ng pamahalaan na nagpatupad na ng iba’t ibang proactive measures kabilang ang water conservation and awareness kung saan ay binibigyan ng tamang impormasyon, tamang kaalaman ang publiko hinggil sa sitwasyon.
Talaga nga yatang malakas tayo sa Diyos at kahit pa sinabi ng PAGASA na maaaring isang bagyo lamang ang papasok sa ating Philippine area of responsibility (PAR) noong nakaraang ika-29 ng November 2023 ay mas dumalas pa ang pagbuhos ng ulan dala ng shear line at northeast monsoon. Sa pinahuli uli ulat ng PAGASA, ang Angat dam ay may 211.86 meters na water level na.
Ibig sabihin kahit pa tumama ang inaasahang dry El Niño weather phenomenon ngayong huling mga buwan ng taong 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024 ay sasapat ang tubig ng mga nasa Greater Manila Area kabilang ang Cavite, Rizal, Bulacan at Pampanga na kumuha at umaasa ng suplay ng tubig mula sa Angat dam para sa domestikong pangangailangan at sa patubig sa mga pananim.
Kaya hindi na kailangan pa ng National Water Resources Board (NWRB) na ibaba pa ang water allocation nito na 50 cubic meters per second sa mas mababang alokasyon na 48 CML sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-init at Kapaskuhan kung kailan ay malakas ang pangangailangan sa tubig.
Ang inaasahang pag-ulan ng PAGASA ay matumbok sana ang Bulacan area para naman madagdagan pang lalo ang tubig sa Angat dam pero hindi rin naman dapat lumagpas sa 212 CML dahil kakailanganin na rin ang magpakawala ng tubig kung lalagpas sa operational level.
Giit pa rin ng NWRB, bagama’t nasa normal level ang Angat dam sa kasalukuyan, kailangan pa rin ang pagtitipid ngayong Kapaskuhan dahil mataas ang pangangailangan sa ganitong panahon. Kailangan natin maging responsible.
Ineengganyo ng NWRB ang bawat tahanan na magkaroon ng disiplina sa paggamit ng tubig at gumamit ng water efficient   appliances.