Home NATIONWIDE Pinakamalaking balangay ng Pinas bibisita sa Maynila

Pinakamalaking balangay ng Pinas bibisita sa Maynila

Larawan mula sa Twitter (@manajan_job)

SAN VICENTE, Palawan- Matagumpay na nakarating nitong Biyernes ng gabi sa San Vicente, Palawan ang itinuturing na pinakamalaking balangay replica ng Pilipinas matapos maglayag sa West Philippine Sea.

“The greatest challenge is having the trial run, on the spot, sailing all the way to Pag-asa. You don’t know what will be the challenges that will come along but no one has done that kind of trial run… masyadong malayo and coming back,” pahayag ni ni dating transportation at environment undersecretary Arturo Valdez na tinutukoy ang balangay Florentino Das.

“Even going there — the monsoon season has changed,” patuloy niya.

Nilalayon umano ng ekspidisyon na igiit sa China na matagal nang mayroong mga bangka ng Pilipinas bago pa angkinin ang ilang lugar sa pinag-aagawang teritoryo. RNT/SA