MANILA, Philippines- Umabot sa P4 bilyong halaga ang nalugi at napinsala sa agriculture sector ng bansa dahil sa malawak na pagkasira dala ng pinagsamang epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat noong Hulyo.
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang “final bullletin” ukol sa sanib-pwersang weather disturbances, ipinalabas noong Agosto 21, iniulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ang kabuuang production value loss sa mga pananim, livestock, poultry, at fisheries na umabot sa P4.72 bilyon matapos ang masusing assessment ng regional field offices ng ahensya sa mga lugar na apektado ng weather events.
Ang damage at losses na natamo ng mga lupang sakahan at palaisdaan sa 12 rehiyon gaya ng Cordillera Administrative Region (CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga, ay nakaapekto sa 82,824 ektarya ng agricultural areas.
Ang kabuuang volume production losses sa apektadong lugar ay nananatili sa 68,690 metric tons (MT).
“Broken down, rice is the most affected commodity, sustaining damage worth P1.08 billion with total volume loss of 18,629 MT,” ayon sa DA.
Tinuran ng DA na ang apektadong rice area na 67,432 ektarya ay katumbas ng 2.51% ng kabuuang target area na nakatanim sa 2,678,766 ektarya, habang ang production loss na 18,629 MT ay katumbas ng 0.16% target production ng 11,663,214 MT, kapwa para sa wet cropping season ngayong 2024.
Ang palaisdaan ay may P783.96 milyong halaga ng pagkalugi, naapektuhan ang 8,395 mangingisda.
Ikatlo naman ang high-value crops na may value of production loss na P691.62 milyon, may katumbas na 19,969 MT ng nasirang pananim.
Nakitaan naman ng pinsala at pagkalugi ang mais na may kabuuang P469.45 milyon o 18,170 MT ng volume damaged.
“The livestock and poultry sub-sector, meanwhile, sustained P38.26 million worth of losses, equivalent to 25,855 heads of chicken, swine, cattle, carabao, gota, duck, horse, quail, turkey, guinea fowl, and buffalo killed,” ayon sa ulat.
Nakitaan ang Cassava ng P12 milyong pinsala na may 472 MT volume destroyed.
Idagdag pa rito, ang pinsala sa irrigation facilities ay P1.64 bilyon; agricultural infrastructure, P4.44 milyon; at machineries P4.01 milyon.
Sinabi ng DA na ang regional field offices nito sa pakikipagtulungan sa mga apektadong local government units at kinauukulang DRRM offices ay aktibong nakikipag-ugnayan sa isinasagawang masusing validation at assessment sa epekto ng pinagsamang Southwest Monsoon at Typhoon Carina sa sektor ng agrikultura at palaisdaan.
“Best possible efforts are also being undertaken to carry out assistance and appropriate interventions to the affected farmers and fisherfolk,” wika ng DA.
Samantala, sinabi ng Agriculture Department na maayos nitong ihahatid ang iba’t ibang uri ng tulong gaya ng:
64,404 sako ng bigas at 45,307 sako ng corn seeds na nagkakahalaga ng P301.72 milyon
1,300 kgs, 63,124 pakete at 370 lata ng vegetable seeds na nagkakahalaga ng P17.63 milyon
P6.31 milyong halaga ng bio control measure