MANILA, Philippines- Umalis na ang Philippine immigration officers patungong Indonesia para ibalik sa Pilipinas ang mga inarestong kasama ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio, hangad ng mga immigration authorities na kagyat na maibalik sa bansa ang kapatid na babae ng Mayora na si Sheila Guo at Cassandra Li Ong, mga awtorisadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinalakay sa Porac, Pampanga.
“‘Yung ating mga Immigration agents ay umalis na po at papunta na ngayon sa Batam, Indonesia to be able to bring back Cassie Li Ong at saka si Sheila Guo into the Philippines,” ang sinabi ni Casio sa isang Zoom briefing.
“Hopefully, by today or at the earliest tomorrow,” dagdag na wika ng opisyal.
Samantala, sinabi ni Casio na nagpalabas na ang Senado ng arrest order laban kina Sheila Guo at subpoena laban naman kay Ong. Kris Jose