Manila, Philippines – Para kay Yasser Marta, angkop ang 1981 Barry Manilow hit na Somewhere Down the Road sa kaso nila ng dating co-star na si Claudine Barretto.
Nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Lovers/Liars ng GMA na umere noong November 2023 hanggang January the following year.
Sa guesting ng isa sa mga Boys of Summer ng Sparkle sa Fast Talk, inamin ni Yasser, 27 na hindi sila umabot sa pagkakaroon ng relasyon ni Claudine, 44.
“Right love at the wrong time,” aniya.
Pero inamin ng binata na taglay daw ni Claudine ang mga katangian ng isang ideal na nobya.
Bukod kasi sa maganda na ito’y level up ang kasikatan nito.
Gayunpaman, hindi nangiming aminin ni Yasser na dumadalaw raw siya noon sa bahay ng aktres.
His regular visits would end up watching Netflix with Claudine’s kids.
Nami-miss nga raw ni Yasser ang mga pagkakataong magkasama sila ni Claudine.
How Yasser wishes he could bring back those times.
Samantala, minsan nang nilinaw ni Claudine na posible namang mahulog ang kanyang kalooban sa lalaking ‘di hamak na mas bata sa kanya.
Pero kung pakalilimiin ang list of priorities sa ngayon ng aktres, falling in love again is not something she’s looking forward to.
More than anything, bukod sa naka-focus siya sa kanyang mga anak ay may pera siya kay Raymart Santiago na gustong bawiin to the tune of millions. Ronnie Carrasco III