Home HOME BANNER STORY PAOCC: Alice Guo namataan sa Kuala Lumpur airport noong Hulyo 21

PAOCC: Alice Guo namataan sa Kuala Lumpur airport noong Hulyo 21

124
0
Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines- Namataan si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice sa Kuala Lumpur International Airport noong Hulyo 21, base sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Batay sa larawan mula sa PAOCC na ibinigay sa GMA News nitong Huwebes, isang babaeng kinilalang si Guo ang makikitang nakatayo kasama ang isang babae. Nakasuot ang dating alkalde ng kulay itim, naka-salamin, at may dalawang ilang bag at bagahe.

“Ang larawang ito ay puwedeng magpatunay na si… Mayor Alice Guo ay wala dito sa ating bansa nu’ng mga panahon na ‘yon,” ani PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz.

Kuha ang larawan bago ang flight ni Guo patungo sa Singapore, batay sa PAOCC.

Ani PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, kuha umano ng isang concerned citizen ang larawan.

Nang tanungin kung paano nasigurado ng mga awtoridad na si Guo nga ang babae, inihayag ni Casio na sinabi ng source ng imahe na handa nitong patunayan ito.

“Pinatotohanan po ng ating source na ‘yun ay si Alice Leal Guo, ‘no? Na siya ay willing na patotohanan na ‘yung dokumentong ‘yun, na ‘yung litrato na ‘yun ay si Alice Leal Guo at nakasabay po niya doon sa airport nung mga panahon na ‘yon,” wika niya sa isang Zoom briefing.

Ayon pa kay Casio, tugma ang larawan sa Immigration records na nagpapakitang pumasok ang pasaporte ni Guo sa Kuala Lumpur noong Hulyo 18.

“Nagtutugma kasi ‘yung mga timeline nung pictures at saka ‘yung Immigration records na nakuha natin doon sa Immigration Bureau nitong Malaysia,” anang opisyal.

Nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nadakip ng Indonesian authorities ang dalawang kasamahan ni Guo na sina Cassandra Li Ong at kapatid ng dating alkalde na si Sheila Guo.

Inaasahang mapauuwi ang dalawa sa Pilipinas. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here