Home NATIONWIDE Pinalawig na 4PH ni PBBM, mas abot-kaya para sa mga Filipino

Pinalawig na 4PH ni PBBM, mas abot-kaya para sa mga Filipino

131
0

MANILA, Philippines – PATULOY na ginagawa ng flagship Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program na mas accessible ang homeownership para sa pamilyang Filipino sa pamamagitan ng mababang interest rates at mas malawak at pinadaming housing options.

“Malinaw po ang direktiba ng ating Pangulong Marcos Jr.-dapat abot-kaya ang pabahay para sa bawat Pilipino. Kaya pinalawak natin ang 4PH hindi lamang sa dami ng proyekto kundi sa mga opsyon na maaaring pagpilian ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling.

“Lahat po ng sektoray nais abutin ng Expanded 4PH,mula sa ating mga working classhanggang sa mga nasainformal sectors,” aniya pa rin.

Sa ilalim ng Expanded 4PH, ang mga kuwalipiakdong benepisaryo partikular na ang working class, ay maaaring mag-avail ng socialized housing sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund at i-subsidized ang interest rate ng “as low as 3 percent per annum” ng hanggang 10 taon, pinakamababa sa merkado ngayon.

“This translates to significantly reduced monthly amortizations. Currently, more than 10,000 families have already availed of the said interest rate,” aniya pa rin.

“Sa pamamagitan ng mababanginterest rate,mas napapagaan natin ang buwanang hulog ng ating mgabeneficiaries. Ito ang konkretong hakbang upang gawing posible ang pangarap na sariling bahay para sa mas maraming Pilipino,” ang winika ni Aliling.

Batid ni Aliling na hindi lahat ng pamilya ay handa na para sa homeownership, kaya ipinakilala ng DHSUD ang rental housing bilang isang ‘key modality’ sa ilalim ng Expanded 4PH.

“This option provides immediate, safe, and decent shelter for families, particularly informal settler families (ISFs) and low-income earners, without the burden of long-term financial commitment,” aniya pa rin.

Samantala, may ilang rental housing projects na ang ginagawa kabilang na ang developments sa UP Diliman at Los BaƱos, sa Quezon City at iba pang pilot areas sa buong bansa, naglalayon na tulungan ang mga pamilyang nakatira sa danger zones at high-risk communities.

Gayundin, ang departamento sa pamamagitan ng Social Housing Finance Corporation, isinuslong ang incremental housing at ang Enhanced Community Mortgage Program (ECMP), pinahihintulutan ang mga benepisaryo na makakuha ng lupa at unti-unti ay mapahusay ang kailang tahanan base sa kanilang kakayahang pinansiyal.

“Through this phased approach, families are empowered to secure tenure first, then upgrade their housing structures over time, making the process more sustainable and financially manageable,” ayon sa Kalihim.

“Ang layunin po natin ay hindi lamang makapagpatayo ng bahay kundi makapagbigay ng disente, ligtas, at higit sa lahat, abot-kayang tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino,” anito pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here