MANILA – Inirekomenda ng Philippine Air Force (PAF) ang pagbili ng 12 pang South Korean-made FA-50 jet fighters upang mapalakas ang depensa ng bansa.
Ang panukalang ito ay isinumite sa Department of National Defense (DND) bilang bahagi ng Rehorizon 3 Modernization Program ng AFP, na naglalayong pahusayin ang kakayahan sa military intelligence, area denial, at deterrence.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nakadepende sa DND ang pag-apruba ng panukalang ito. Layunin ng karagdagang FA-50s na palakasin ang kapasidad ng Air Force sa pagtupad ng kanilang mandato.
Nauna nang bumili ang Pilipinas ng 12 FA-50 jets mula sa Korea Aerospace Industries sa halagang PHP18.9 bilyon, na naihatid mula 2015 hanggang 2017.
Ang mga jet na ito ay unang ginamit sa labanan noong Marawi Siege noong 2017 para sa close-air support operations. RNT