MANILA, Philippines- Pumwesto ang Pilipinas sa ikatlo sa Asya na nakararanas ng “unusual heat” mula sa climate change sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Climate Central.
Batay sa ulat na ipinalabas nitong Miyerkules, lumabas na ang bansa ay may 74 araw na may temperatura sa Climate Shift Index (CSI) level 2 o mas mataas, nangangahulugang posibleng dulot ito ng climate change.
Ang CSI ay sistemang binuo ng Climate Central na sumusukat sa local influence ng climate change sa arawang temperatura ng isang bansa.
Sa pamamagitan ng sistemang ito, natuklasan ng mga siyentipiko na “human-caused climate change increased heat-related health risks for billions and made extreme heat events more likely around the globe.”
“During the past three months (December, January and February), the effects of human-induced climate change—mainly from burning coal, oil and methane gas—were evident in most regions of the world, particularly in the form of extreme heat,” saad sa ulat.
Binanggit sa pag-aaral na 10 mula sa 51 bansa sa Asya ang nakapagtala ng mahigit 30 araw ng temperaturang umabot sa CSI level 2 o mas mataas. Nanguna rito ang Brunei Darussalam sa 83 araw, sinundan ng Maldives sa 81.
Sumunod naman sa Pilipinas sa ika-apat na pwesto ang Indonesia (72 araw), sinundan ng Sri Lanka (72), Timor-Leste (72), Malaysia (63), Singapore (56), Yemen (46) at Myanmar (45).
“Over the last three months, nearly 554 million people across 10 countries in Asia experienced daily average temperatures that were strongly influenced by climate change (defined as CSI 2 or higher) for at least one-third of the season (30 or more days),” pahayag ng Climate Central.
Sinabi rin sa ulat na “more than 45 million people across the continent were exposed to at least 30 risky heat days that were added by climate change.”
Sa Pilipinas, nasa 200,000 Pilipino ang sinasabing exposed mula sa 116 milyong kabuuang populasyon. RNT/SA