Home NATIONWIDE Pinas, Japan firms lumagda sa digital innovation, smart urban dev’t pact

Pinas, Japan firms lumagda sa digital innovation, smart urban dev’t pact

57
0

MANILA, Philippines – TININTAHAN ng Pilipinas at Japanese firms ang mga kasunduan na naglalayong palakasin ang pagtutulungan sa digital innovation at smart urban development, mas pinagtibay ang ugnayan sa pangkabuhayan at teknolohiya sa pagitan ng Maynila at Tokyo.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa memoranda of understanding (MOUs) sa pagitan ng Philippine conglomerate Ayala Group at mga nangungunang Japanese firms sa isang seremonya sa Imperial Hotel sa Tokyo, Japan.

Ginawang pormal ng Ayala Group ang mga kasunduan kasama ang Mitsubishi Corporation, MUFG Bank at KDDI Corporation sa isinagawang signing ceremony.

“The agreements with Mitsubishi Corporation, MUFG Bank, and KDDI Corporation advance collaboration in intelligent city solutions, digital finance, marketing technology, and AI-driven infrastructure,” ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas.

Tinuran pa ng PCO na ang partnerships ay nagbigay-diin sa malakas na Japanese investor confidence sa Pilipinas at pinatibay ang lumalaking papel ng bansa bilang “trusted hub for digital innovation, financial technology, and smart urban development.”

Sinabi pa ng PCO na inaasahan na ang mga kasunduan ay maghahatid ng “smarter, more connected, and innovation-driven future” sa parehong bansa.

“[The signing ceremony opens] new opportunities for innovation-led growth, financial inclusion, and smarter, more connected communities for Filipinos,” ayon sa PCO.

Ang mga Japanese firms, sa isang business roundtable sa pangunguna ni Pangulong Marcos, ay nangakong mamumuhunan ng USD3.4 billion o tinatayang P210 billion sa Pilipinas.

Aktibo namang pino-promote ng Pilipinas ang digital transformation at smart city development bilang pinakamahalagang haligi ng long-term economic agenda nito, kasabay ng pagsisikap na makahikayat ng high-value investments sa teknolohiya at imprastraktura.

Pinoposisyon nito ang sarili bilang “key destination for technology-driven investments, with emphasis on digital economy expansion, smart city development and inclusive financial systems.”

Samantala, ang mga bagong kasunduan ay nakikita bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap upang mas lumalim pa ang PH-Japan economic cooperation at mapabilis ang innovation-driven development sa bansa. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here