Home NATIONWIDE Pinas magpapadala ng 66K MT ng asukal sa US

Pinas magpapadala ng 66K MT ng asukal sa US

MANILA, Philippines – Mag-e-export ang Pilipinas ng 66,000 metric tons ng hilaw na asukal sa Estados Unidos para sa crop year 2024-2025, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) sa ilalim ng Sugar Order 5.

Ito ang ikalawang sunod na taon ng pagtupad sa farmers’ share sa US sugar quota.

Kailangang magsumite ng notarized na pahayag ang mga kwalipikadong kalahok ukol sa kanilang export volume bago ang Marso 30, at dapat maipadala ang asukal bago ang Agosto 15.

Ang pagsunod sa mga kondisyon ng SRA ay maaaring magbigay ng priyoridad sa mga programa sa pag-import ng asukal sa hinaharap. Santi Celario